P20-M shabu nakumpiska: 2 drug couriers tiklo

HULI kagabi ang dalawang drug courier suspects na nakuhaan ng P20 milyong halaga ng shabu na ngayon ay sumasailalim sa interogasyon ng mga operatiba ng PDEA Region sa Cagayan de Oro City.

Nabatid kay PDEA Regional Dir. Robert Opeña, naaresto ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa isang malaking shopping mall sa Cagayan de Oro.

Ngunit, hindi muna isiniwalat ni Opeña ang pangalan ng mga suspek dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon para malaman kung sino ang supplier ng droga sa rehiyon.

Nakuha mula sa mga suspek ang aabot sa 1.5 kilo ng shabu na sinasabing may market value na P20 milyon.

Ang mga suspek at ang illegal drugs ay sinasabing nagmula sa Pagadian City.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply