P25-M heavy equipment tinupok ng NPA

TINATAYANG nagkakahalaga ng P25 milyon ang halaga ng heavy equipment na tinupok ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa sinalakay na Chinese Construction company kagabi (Nobyembre 4) sa lalawigan ng Davao del Sur.

Base sa report na ibinahagi ng Philippine Marines Public information office, sinalakay ng mga pinaghihinalaang rebelde ang Tian Jin Group (Qingjian Group) of Company sa Kilometer 78, Barangay Dulom, Bansalan, Davao del Sur bandang alas-11:39 ng gabi.

Pinaniniwalaan na ang hindi pagbayad sa revolutionary tax ang isa sa dahilan ng mga rebelde sa pagsunog sa apat na heavy equipment ng nabangit na kumpanya.

Sa report naman ng Davao PNP, sumalakay ang anim na armadong kalalakihan at dinis-armahan ang nag iisang guwardya na si Marlo Ausan Carbo at saka sinilaban ang  isang payloader, track roller, grader at backhoe.

Sinasabing binuhusan umano ng gasolina ng mga suspek ang mga heavy equipment at saka sinindihan.

Nagsasagawa na ngayon ng hot pursuit operation ang 39th Infantry Battalion ng Philippine Army laban sa grupo na umano’y pinangungunahan ng isang “Ka Marvin.”

Ang Tian Jin Group of Company nan aka base sa Qingdao China ang siyang contractor sa pagsasaayos at road rehabilitation sa Bansalan national highway sa bahagi ng Davao del Sur-North Cotabato highway.

Magugunitang noong Oktubre 25 ay sinunog ng mga rebelde ang sasakyan ng Japanese Sumitomo Fruits Corp. (Sumifru) sa  Makilala, North Cotabato.

Nito ring nasabing buwan ay sinalakay  ng mga rebelde ang compound  Sumifru sa  Compostela Valley at tinupok ang klanilang mga kagamitan.

Subalit pinakamalaking pinsala na isinaagwa ng mga NPA ang pagsalakay sa mining conglomerate sa Claver, Surigao del Norte, at winasak ang may 100 truck at heavy equipment. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply