P277M kada araw nalulugi sa ekonomiya dahil sa trapiko

AABOT sa P277 milyon kada araw o $2 bilyon kada taon ang nalulugi sa ekonomiya ng PIlipinas sa pamamagitan ng “lost man hours” dahil sa grabeng trapiko.

Ito ang inihayag ni Sen. Manny Villar kung kaya’t iminungkahi niya na bawasan na ang mga bus na bumibiyahe sa Edsa. Ito ang nakikitang paraan ng senador upang masolusyunan ang pagsisikip ng trapiko na nararanasan sa lansangan.

Naniniwala ang senador na malulunasan kahit kaunti ang bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila kung ititigil na ang pagbibigay ng prangkisa sa bus.

Higit na malaki umano ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa matinding trapik sa mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply