P3.5-M bala nasamsam ng Customs sa Cebu

UMAABOT sa P3.5 milyon halaga ng mga bala at parte ng mga high powered firearms kagaya ng AK47 rifle ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa loob ng isang 40-footer van sa Cebu City.

Ito’y kasunod ng ginawang inventory ni BoC District Collector Ronnie Silvestre kasama ang Special Weapons and Tactic (SWAT) team na pinangungunahan ni Supt. Arnel Banzon, upang buksan ang isang steel crates na unang napagkamalan na bomba ngunit natagpuan na libu-libong bala ang laman.

Napag-alaman na umabot sa 8,000 mga bala ang laman ng container van na nakapangalan sa isang Filipino-American.

Idineklara sa shipment na pinaghiwa-hiwalay na bahagi ng truck head at household goods ang laman ng naturang container van na umaabot sa US$6,500 ang halaga.

Ngunit sa tantiya ni Silvestre sa mga narekober na bala, nagkakahalaga ito ng P3.5 million kabilang na ang truck head, ilang bahagi ng sasakyan at night vision telescope.

Nakipag-ugnayan na ang BoC sa Immigration and Customs Enforcement sa US Department of Homeland Security upang imbestigahan ang pagpuslit ng naturang mga bala sa Pilipinas.

Posible namang i-donate ang libu-libong bala sa Cebu city government sa oras na aprubahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply