P31 million pondo pinabulaanan ng ABB

ITINANGGI ng Alex Boncayao Brigade na may natanggap silang pera mula sa gobyerno.

Ito ang sinabi ni John Llana ng pinagsamang grupo ng Revolutionary Proletarian Army  at Alex Boncayao Brigade  (RPA-ABB) ginagamit lang ng dalawa nilang dating miyembro ang pangalan ng kanilang grupo.

Nilinaw din Llana na hindi sila naghahabol sa pera at sila ay kumikilos para sa kapakanan ng mamamayan at pinanindigan niyang ni isang sentimo ay wala silang nahawakan sa sinasabing P31 million fund.

Kinilala naman ng grupo ang dalawang natatanggal nilang miyembro na sina Veronica Tabara at Stephen Paduano.

Nilinaw din ng RPA-ABB na bagama’t hindi sila interesado sa naturang pondo ay bukas  naman sila rito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply