P31M pondo sa MILF aayusin ng Palasyo

TINIYAK ng Malakanyang na agad na paplantsahin nila ang mga iregularidad sa P31 million na inilaan ng gobyerno para sa livelihood ng mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

Matatandaang umani ito ng iba’t ibang reaksyon at sinasabing posibleng magresulta ito sa demoralisasyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Nauna nang sinabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na kaya hindi ito ipinatupad sa kanyang administrasyon dahil sa nadiskubreng paglabag sa nasabing programa.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, makaaasa ang lahat na anumang pagdududa sa nasabing programa ay reresolbahin ng Aquino administration.

“Yung doon sa sinasabi po ni dating Pangulong Estrada na mga irregularities, I am not aware kung ano ‘yung mismong pinupunto niya. But from what I understand from Sec. Deles, discussions are still ongoing on this. I will have to see, I will have to double check with them kung ano na po ‘yung mismong…what stage is the project at kung nai-implement na po ba, may final details na po ba—I will have to check po with them,” ani Valte.

Sa nasabing programa, bibigyan ng mga pagkakakitaan ang mga mamamayang nasa ilalim ng ABB.

Kaugnay nito, inamin ni dating Budget Sec. Ben Diokno na panindigan ng Aquino ang naging desisyon nitong paglalaan ng P31 million na pondo para sa livelihood projects ng RPMP-RPA-ABB.

Pinabulaanaman naman ni Diokno ang ulat na may alam siyang nilagdaang kasunduan si dating Pangulong Estrada sa ABB.

Sakali man aniyang may nalagdaang kasunduan, iginiit ni Diokno na maaari namang hindi ituloy ng Aquino administration gaya ng ginawa ni PNoy na pagpigil sa mga kontratang pinasok ng Arroyo administration.

Samantala, idinipensa naman ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita “Ging” Deles sa nasabing pondo at ito aniya ay bahagi ng kampaniya ng Pangulong Aquino sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply