P36-M pekeng tsinelas nakumpiska ng NBI

NAKUMPISKA ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) Intellectual Property Rights Division ang 11,500 pares ng mga pekeng tsinelas na aabot sa mahigit P36 milyon sa loob ng limang bodega at 11 tindahan sa FB Harrison Street sa lungsod ng Pasay.

Nag-ugat ang pagsalakay ng NBI matapos na maghain ng reklamo si Atty. Nazar Luis ng Sanuk USA at ng Filp Flop Limited.

Dahil dito, sasampahan ng kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang negosyanteng sina Lily Lee at Allan Chua at ilan pang mga kasosyo nito sa pagbebenta ng mga hindi original na produkto.

Nabatid kay Atty, Luis, malaki ang nalulugi sa kanilang negosyo ng mga itinitindang pekeng produkto dahil kadalasan, bawat pares ng original na tsinelas ay nagkakahalaga ng P2,500 pero ang mga pekeng produkto ay itinitinda lamang sa halagang P500 hanggang P600.

Hinala naman ng NBI, na maaaring dito sa Pilipinas pinrodyus ang mga nasabat na pekeng tsinelas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply