P36M anti-virus software nakumpiska

LALO pang pinalakas ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang anti-smuggling campaign ng ahensiya at nakakumpiska ng may 18,000 units ng kilalang anti-virus software na halagang P36 milyon dahil sa misdeclaration, undervaluation at illegal importation.

Sa pagpiprisinta ng mga nakumpiskang epektos sa mamamahayag kaninang umaga, sinabi ni Biazon na ang misdeclaration ng Russian brand Kaspersky Internet Security 2012 software na dumating sa Manila International Container Port (MICP) sa isang container noong Nobyembre 5, 2011, ay nakita sa X-Ray division ng ahensiya sa ilalim ni Collector Lourdes Mangaoang.

“People never learn. If smugglers and unscrupulous importers think that we are laying off on our anti-smuggling drive, they are wrong. We are not intensifying our anti-smuggling campaign only for the holidays. This is going to be a year-round close monitoring of cargoes” pahayag ni Biazon.

Naka-consign sa Plinth Enterprises na may office address sa Trinity Bldg., Kalaw St., Ermita Manila, idineklara ang anti-virus software units bilang ordinaryong CD Kit cleaners at CD plastic cases na may declared value na US$ 7.095.70 (P305,115.10). Gayunman, base sa published on-line rate ng software, ang kabuuang halaga ng illegal shipment ay US$ 599,528.12.

Sa karagdagan sa kanilang misdeclation at undervaluation sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP), may isang bayolasyon ang nagawa ng Plinth Enterprises dahil wala silang import permit para sa  software shipment mula naman sa Optical Media Board.

Dahil dito, inatasan ni Biazon ang Run After the Smugglers (RATS) ng ahensiya para isampa ang kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa ismugling sa lalong madaling panahon.

Sa kabilang dako, naniniwala naman si MICP District Collector Ricardo Belmonte na ang nakumpiskang anti-virus software units ay magbibigay ng malakas na senyales sa mga smugglers na ang BOC partikular ang MICP ay seryoso sa kanilang kampanya laban sa smuggling.

Pinapurihan naman ni OMB Executive Director Ronnie Ricketts, na dumallo sa okasyon ang BOC sa kanilang trabaho. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply