P398-M nasabat na droga winasak ng PDEA

WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P398 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng thermal decomposition sa isang waste management facility sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Ang winasak na nasabat na drug evidence ay umaabot sa 81,693.13 gramo at ito ay kinabibilangan ng shabu, marijuana, ephedrine, ecstacy, cocaine, valium at mga expired na gamot kasama rin ang opium poppy seeds.

Ang nasabing pagwasak ay pinangunahan ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Guttierez, Jr., kasama ang mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), Dangerous Drug Board (DDB), Public Attorney’s Office at iba pa mula sa mga non-government organizations (NGOs).

Sinabi ni Guttierez, ito ay upang ipakita sa publiko na mali ang mga alegasyon na muling ginagamit at ibinebenta sa mga lansangan ang mga nakukumpiskang droga ng ahensya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply