P3M, Honda CRV at weekly collection ni Rolly sa BoC-2

ITULOY nating talakayin ang kalokohan ng tatlong itlog sa Bureau of Customs na sina Rolly, Dino at Maria.

Minsang naganap ang pakikipag-meeting ng grupo ni Rolly sa mga big time smuggler sa Quezon City noong nakalipas na Oktubre 12, na na-diaryo na’t lahat-lahat ay namamayagpag pa rin ang tatlo sa BOC.

Gamit-gamit daw nitong si Rolly ang tanggapan nina Biazon at Lim sa kanyang pakikipagpulong sa bigtime smugglers, nangangahulugan ba na may alam dito sina Biazon at
Lim?

Sa meeting na iyon, tinokahan daw ni Rolly ang mga “player” ng lingguhang collection, kaya hayun, tuwing Biyernes ay nangongolekta ang mga bata nitong si Rolly.

Hindi naman daw maramot itong si Rolly dahil kapag nabuo na ang kanyang collection ay binibigyan naman daw nito ang ilang mga kasabwat na opisyal ng BOC.

Nakikialam din daw itong si Rolly sa mga ongoing operation ng ahensiya kaya ang ibang trabaho ay nasusunog, katulad na lang ng naireport na pang-iipit nito sa isang Letter of Authority (LOA) na matagal nang napirmahan ni Biazon.

Ang nasabing LOA ay nagpapahintulot sa mga ahente ng Customs at  Manila  International Container Port (MICP) na mapasok ang isang bodega sa Valenzuela City  na umano’y pag-aari ng isang smuggler at  sinasabing naglalaman ng P100 milyong pisong mga kontrabando.

Totoo rin kayang, kaya inipit nitong si Rolly ang nasabing LOA kapalit ng halagang P3 million at isang 2nd hand na Honda CRV?

Ang suwerte naman talaga nitong si Rolly, may lingguhan nang tong collection mula sa mga bigtime smuggler, may  CRV at P3 milyon pa.

Nakatanggap ng impormasyon ang Lily’s Files na hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa

rin daw mapasok ng mga ahente ng ahen-siya at ng MICP ang nasabing bodega dahil sa pang-iipit nitong si Rolly sa LOA.

Commissioner Biazon, inaasahan ng marami na malilinis mo ang BOC ngunit hangga’t mayroon kayong tiwaling empleyado na tulad nitong si Rolly at mga kasamahan niyang mga bugok ay hindi mawawala ang corruption diyan sa BOC.

Peksman!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply