P3M, honda CRV at weekly collection ni Rolly sa BoC

SINO nga ba ang tatlong bugok na itlog ng Bureau of Customs (BOC) na sinasabing mga protector ng mga smuggler?

Nagtataka lamang ang inyong lingkod, dahil sa kabila ng na- diyaryo na’t lahat-lahat ay patuloy pa rin sa kanilang modus operandi ang sinasabing tatlong bugok na itlog ng BOC na kinilalang sina Rolly, Dino at Maria.

Kung seryoso sa pakikipaglaban sa mga smuggler sina Customs  Commissioner Ruffy Biazon at Retired General Danilo Lim, ang hepe ng BOC Intelligence Group, ang dapat muna siguro nilang gawin ay sibakin ang tatlong itlog na sina Rolly, Dino at Maria.

Hangga’t andiyan sa loob ng  ahensiya ang tatlong itlog ay hindi mawawala ang corruption dito.

Katulad na lang noong naganap na pakikipag- meeting nitong grupo ni Rolly sa mga big time smuggler sa Quezon City noong nakalipas na Oktubre 12, na diyaryo na’t lahat-lahat ay namamayagpag pa rin ang tatlo sa BOC.

Gamit-gamit daw nitong si Rolly ang tanggapan nina Biazon at Lim sa kanyang pakikipagpulong sa bigtime smugglers, nangangahulugan ba na may alam dito sina Biazon at Lim?

Nagtatanong lang po, mga Sir.

Sa nasabing meeting ay tinokahan daw ni Rolly ang mga “player” ng lingguhang collection, kaya hayun, tuwing Biyernes ay nangongolekta ang mga bata nitong si Rolly.

Hindi naman daw maramot itong si Rolly dahil kapag naabot na ang  kanyang collection  ay binibigyan naman daw nito ang ilang mga kasabwat na opisyal ng BOC.

Nakikialam din daw itong si Rolly sa mga ongoing operation ng ahensiya kung kaya ang ibang trabaho ay nasusunog. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply