P5-M fake Louis Vuitton nasamsam ng BoC

SINALAKAY ng operatiba ng Bureau of Customs Intellectual Property Rights Division, CIIS at Intellectual Property Office ang tatlong bodega sa 756 Juan Luna St . Binondo, Maynila at nakumpiska ang tinatayang P500 milyong halaga ng mga pekeng Louis Vuitton, YSL, Lacoste at sari-saring pitaka na nagmula pa sa China.

Ayon kay Atty. Marissa Zae de Guzman, hepe ng IPRD ng BOC, bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa mga pekeng produkto at impormasyon mula sa intelligence ng Customs, natunton ang nabanggit na bodega na hindi pa isiniwalat ang may-ari ng mga nasamsam na produkto.

Binuksan ang mga bodega sa pamamagitan ng bolt cutter ng Customs at bumuyangyang ang kahon-kahong mga pekeng produkto  at sa presensya ng iba’t ibang sangay ng media ay nasaksihan ang isinagawang pagsalakay na bunga ng ilang buwang pagsubaybay.

Wala namang naarestong mga tauhan ng bodega nang maganap ang pagsalakay.

Ipinahayag din ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na naging paboritong bagsakan ng pekeng produkto ang Pilipinas partikular ang Binondo Area, subalit may responsibilidad ang ahensya, hindi lamang sa mga lokal na negosyante kundi maging sa karapatang Intellectual Property ng global na brand.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply