P5M ayuda sa MILF dapat ipaliwanag ni PNoy – Bishop

IGINIIT ng isang Catholic bishop na hindi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), kundi si Pangulong Benigno Simeon Aquino III mismo ang dapat na magpaliwanag sa ginawa ng pamahalaan na pagbibigay ng P5 milyon financial assistance sa mga rebelde.

Reaksiyon ito ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, kasunod nang pahayag ng MILF na handa silang makipag-usap sa Catholic bishops kaugnay sa usapin ng dole-out.

Ayon kay Medroso, walang ibang makapagpapaliwanag ng dole-out sa publiko kundi si PNoy dahil obligasyon nito na ipaliwanag sa tao kung nasaan at bakit niya ibinigay sa MILF ang naturang salapi gayong pera iyon ng bayan.

“Ang concern lang naman namin na ang money that was given ay kailangan na malaman kung bakit ito ibinigay ng pamahalaan? The government na nagbigay ang dapat magpaliwanag sa publiko at hindi ang MILF,” ayon kay Medroso, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Pinayuhan naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang pangulo na huwag nang magbigay ng pera sa mga rebelde dahil posibleng pagmulan lamang ng kaguluhan at katiwalian na magiging daan din  upang lalong dumami ang mga rebelde sa bansa.

Iginiit ng Obispo na maaari namang isulong ang peacetalks nang walang sangkot na salapi.

Para naman kay CBCP-NASSA chairman Bishop Broderick Pabillo, ang dole-out ay indikasyon ng kawalan ng kakayahan ng pamahalaan partikular ng local government units (LGU’s) na mapaganda ang kalagayan ng mamamayan sa kanayunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply