P6-M shabu nasabat sa Pasay

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Anti-Drug Task Force ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon mula sa tatlong hinihinalang drug pusher sa Macapagal Boulevard, Pasay City kagabi (Nobyembre 6).

Natimbog sa isinagawang buy bust operations dakong alas-11:30 ng gabi ang mga suspek na si Abdul Basir Manalinding at ang mag-asawang sina Baby Mamawit at Joehara Sanday ng pulisya.

Isinagawa ang paglambat sa mga suspek, matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa gagawing bentahan ng droga ng mga suspek sa Macapagal Boulevard.

Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang mga naarestong drug pusher para mabatid ang main source ng nakumpiskang droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply