P60B shortfall ng Customs ngayong taon

UMAABOT na umano sa P60 bilyon ang shortfall sa P230 bilyong target na tax collection ng Bureau of Customs para sa taong ito,at nasusubok ang kakayahan ng dalawang pangunahing opisyal ng ahensya  , kung paano ito iaangat lalo nat kasagsagan na ng mga produktong galing China  para sa kapaskuhan ng hindi malalagay sa alanganin ang kampanya ng bagong pamunuan laban sa smuggling.

Nabatid sa mapagkakatiwalaang source na kaya umabot sa ganito kalaki ang shortfall ng ahesya ay dahil kahit marami ang nahuhuli na kargamento ay marami pa rin ang mga kargamentong nahuli ang nailalabas at naibebenta sa mga negosyante sa labas ng aduana kaya’t umaapaw pa rin sa mga tiange ang mga pekeng produkto ,at mga “cheap” items na galing China . Ang mga insidenteng ito ay mismong sa Port of Manila nangyayari.

Mas talamak umano ang nangyayari sa mga pantalan na malayo sa sentro ng pamahalaan  tulad ng Port of Cebu ,Port of Cagayan  at Davao na malayo sa mata ng mga namumuno.  Dito umano ay mas maluwag ang mga highly taxable items na pumapasok at nakakalabas tulad ng bigas, resins, asukal at bakal.

Ayon sa mga eksperto sa Aduana ,mas nakikinabang umano ang mga insiders ngayon dahil hindi pa kapado ng “dynamic duo” na si commissioner Ruffy Biazon at Intelligence Chief ng Customs na si Gen. Danny Lim ang mas malalim na pasikot-sikot sa pantalan. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply