P61.7M smuggled products nakumpiska ng Customs

MALUNGKOT ang Pasko ng mga smuggler at consignee ng mga container vans na nasabat ng Bureau of Customs ngayon na naglalaman ng mini cooper parts, power cables at sari saring pekeng produkto na aabot sa kabuuang P61.7 milyon dahil sa misdeclaration, undervaluation  at shipment diversion.

Ayon sa ulat ni Enforcement and Security Service  Director George Alino kay Commissioner Ruffy Biazon, isang container van na may 16 na katawan ng mini cooper ang nasabat sa Port of Manila na naka-consign sa F.E.C. Trading  mula sa Japan . Idineklara itong mga used replacement parts at nang buksan ng mga operatiba ay natuklasan ang mga chop-chop na mini cooper. Inirekomenda ni Deputy Commissioner Horacio Suansing ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention sa mga kargamento  sa paglabag ng EO 156 na nagban sa importasyon ng mga used motor vehicles at pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga sangkot.

Isa ring container van na naglalaman ng 270 power cables , 29,286 patch cords at 90 piraso ng panel boards na idineklarang 196 kg ng cables at accessories, na may halagang P25.7 milyon  na ipinadala ng China exporter na ZTE Corporation mula pa sa Hong Kong  ang nasabat at ang itinuturong consignee ay ang FEC Trading.

Na-divert naman ang isang container van na naglalaman ng mga yarn na pawang kargamento ng Asian Bonded Customs Warehouse at Fao Pulilan Footwear and Luggage Mfg. Corp. na dapat ay sa ABCW warehouse ang destinasyon subalit nagtungo sa ECCO Food Corporation  Warehouse sa Bgy. Malanday, Valenzuela kayat kinumpiska ng BOC-EG operatives.

Sinamsam din ng ESS ang dalawang container van na naka-consign sa Golden Rainbow Enterprises na nang inspeksiyonin ay natuklasan ang 316 kahon ng pekeng cosmetics na may kilalang brand name na Victoria’s Secret, L’Oreal, Prada, Lacoste at mga designer bags, imitasyong relos, DVDs, rubber shoes na Nike at Adidas at iba pang imported items na lumabag sa Intellectual Property Code (RA 8293 ) at Optical Media Act (RA 9239). Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply