P7-M natupok sa sunog sa Binondo

TINATAYANG nasa P7 million halaga ng mga ari-arian ang naabo matapos sumiklab ang sunog sa isang limang palapag na gusali kaninang madaling-araw sa Binondo, Manila.

Ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, dakong 1:46 ng madaling-araw, nang nagsimula ang nasabing sunog sa roof deck ng gusali sa Sto. Cristo St., sakop ng Binondo.

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong gusali dahil na rin sa maraming kahon ng plastic.

Nabatid kay Chief/Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire District,  wala namang naiulat na nasaktan sa naturang sunog na umabot sa 4th alarm na kung saan ay ideneklarang fire out dakong 5:54 ng madaling-araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply