P7 milyon sibuyas nakumpiska ng BoC

TINATAYANG P7 milyong halaga ng mga sibuyas na nakalagay sa dalawang 40-footer container ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) makaraang tangkaing ilegal na ipasok sa bansa.

Nabatid kay Deputy Customs Commissioner for Intelligence Danilo Lim, household goods ang deklarasyon ng consignee na Chiamorowal Incorporated nang ipasok nito sa bansa ang kargamento mula Hong Kong.

Inaasahan na ng BoC ang pagdagsa ng smuggled goods gaya ng gulay, prutas at iba pang produkto ngayong Kapaskuhan kaya’t pinag-ibayo na rin ng departamento ang pagbabantay sa lahat ng international ports.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply