P8.5B investment plan ipatutupad sa ARMM

MARIING ipinahayag ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na naghahanda na ang pamahalaan sa pagpapatupad ng roadmap at investment plan na nagkakahalaga ng P8.5 bilyon para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Robredo, ang naturang investment plan ay bukod sa P11.8 bilyon na regular na budget ng autonomous region sa taong 2011.

Ang naturang plano ay ipatutupad umano ng 10 national agencies sa ilalim ng ARMM transition team na pinamumunuan ng DILG.

Patunay ito, ayon kay Robredo, na seryoso ang pamahalaang Aquino sa pagtupad ng pangakong magbubuhos ng pondo para sa ikauunlad ng ekonomiya, pagsulong ng repormang pang-gobyerno at pagkamit ng kapayapaan at seguridad sa ARMM.

Binigyang diin ni Robredo na balak ipatupad ng multi-agency transition team ang plano sa lalong madaling panahon sa kabila ng motion for reconsideration na inihain ng ilang grupong tumututol sa Oct. 18, 2011 decision ng Korte Suprema na sumasang-ayon sa legalidad ng Republic Act 10153 na nagpapaliban sa ARMM elections. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply