Pa-humble effect na si Derek Ramsay!

BUMAWI si Derek Ramsay dahil nagpadala ng bulaklak kay Ai-Ai delas Alas bilang paghingi ng paumanhin nu’ng hindi siya makasipot sa fundraising show ng PMPC kung saan ay guest siya sa concert ni Ai Ai.

Sa Twitter account ng Comedy Concert Queen ay mababasa ngayon ang “Maraming, maraming salamat sa flowers na pinadala mo MR. DEREK RAMSEY…ANG GANDA..SAYANG NAWALAN NA KO NG PAG-ASANG IPADALA FLOWER KO.

“TOUCH AKO AND NAPAKA HUMBLE MO TALAGA…congrats sa movie mo at sana marami ka pang movie na magblockbuster…manonood din sayo mga fans ko.”

Anyway, sa January 21 ay magsasama ulit ang dalawa sa pre-Valentine concert ni Ms Ai-Ai at fund raising show ng National Press Club sa pamumuno ni President Jerry Yap sa Zirkoh, Morato. Guest din si Matteo Guidicelli at ang super galing sa pagpapatawa na si Boobsie.

Panalo!

-0o0-

SA RECENT na pakikipag-usap namin kay Laguna Governor ER Ejercito, naitanong namin kung ano ang mga kaabang-abang sa pelikula niyang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga…

“This is the untold story of Asiong Alonga, kaya maraming hindi ipinakita dun sa pelikula ni Pangulong Erap Estrada noong 1961, nung 1978 ni Rudy Fernandez at nung pelikula ko nung 1988. Pang-apat na version na itong Untold Story.

“Kagaya ng walo ang asawa ni Asiong, dito ipinakita namin, apat lang. At marami kaming ipinakitang ginawa si Asiong na hindi ipinakita run sa three versions.”

Bakit apat lang?

“Kasi meron siyang naging asawang artista, e. Ayaw naming i-divulge kasi buhay pa e. [Naging asawa niya] nung 50’s ha, 50’s,” kuwento ni Governor ER na kilala rin bilang aktor na si Jeorge Estregan

Ang pelikula ay sa direksyon ng mahusay na direktor na si Tikoy Aguiluz.

“Quality film yung ginawa namin and we got the best. From the technical people like direk Tikoy Aguiluz, award-winning director yun. Carlo Mendoza, cinematographer, award-winning yun, ang production designer namin awardee, si Roy Iglesias, ang scriptwriter awardee yun.

“Tapos mga artista natin, all-star cast e, madami tayong artista e, puro awardee rin.

“Sina Yul Servo, Phillip Salvador, puro awardee, so quality film. Hindi siya basta-basta indie, quality, quality na indie/mainstream, magandang pelikula.”

Gumaganap na asawa niya sa movie si Carla Abellana at balitang torrid ang kanilang mga kissing scenes ng aktres.

“Hindi, halik-asawa, halik-asawa. Kahit yung kay Valerie Concepcion, kay Paloma, kay Jaycee Parker, puro halik-asawa yun.”

Walang pagseselos mula sa misis niyang si Pagsanjan Mayor at aktres na si Maita Sanchez?

“Nakita n’yo bang humalik ang tatay ko,” tumatawang biro ni Governor ER. Ang ama niya ay ang yumaong aktor na si George Estregan.

“Halik-George! Simple lang yun, halik-George lang,” at muling tumawa ang actor/politician.

“Dito puro bitin e [ang intimate scenes], more on action.”

Kamakailan ay naging mainit na isyu ang tungkol sa paninigarilyo ng mga artista at celebrities, at bilang si Asiong Salonga, ipapakita si Governor ER na naninigarilyo sa mga eksena niya sa pelikulang entry ng Scenema Concept International sa Metro Manila Film Festival ngayong December 2011.

Baka pag-initan ng ilang ahensiya na tutol sa paninigarilyo ang movie niya, pero ang depensa ni Governor ER tungkol dito.

“Character kasi ni Asyong yun e, na mahilig sa sigarilyo talaga e. Panahon ni James Dean at ni Marlon Brando, laging may dangling cigarette sa bibig, e.

At hindi naman daw siya dapat pag-initan dahil…

“Hindi, dahil ako, tumigil na rin ako sa paninigarilyo! Pareho kami ni Ma’am Nora [Aunor], tumigil na kami pareho sa sigarilyo.

“Pareho kami, sabay. Sabay kaming naospital e, pneumonia. “Kaya tumigil na kami pareho. Pareho pa kami ng ospital, sa Cardinal Santos.

“At tsaka gangster hoodlum [si Asiong Salonga], e.”

May panawagan ba siya sa ginagawang pagbabawal sa mga artista?

“Hindi…. ah huwag nilang pag-initan yung mga cover ng magazines, huwag nilang pag-initan yung mga posters ng pelikula, ang pag-initan nila yung nagma-manufacture ng sigarilyo. Iyon ang itigil nila para matigil na yang iba’t ibang klase ng sakit like emphysema, lung cancer at marami pang iba.

“Kailangang itigil yung source, e.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply