PA ni Ramgen isinabit ni Ramona sa krimen

SABIT na rin sa pamamaslang sa aktor na si Ramgen Revilla ang personal assistant nito na si Ronald Ancajas makaraang isabit ni Ramona Bautista sa krimen.

Sa taped message ni Ramona bago lumipad pa-Hong Kong, direkta niyang dinawit si Ancajas at sinabing dapat itong imbestigahan sa pagpatay sa kanyang kapatid.

Dahil dito, agad na humarap si Ancajas at inihayag na masama ang kanyang loob sa mga naging pahayag ni Ramona na nagdidiin sa kanya sa pagkamatay ni Ramgen.

Giit ni Ancajas, hindi niya magagawang patayin ang amo dahil napakabait nito sa kanya at itinuring niya itong kapatid.

Nagtataka naman si Ancajas kung bakit ngayon lang siya dinawit ni Ramona. Siya na nga raw ang nawalan ng trabaho at amo, siya pa ang isinabit sa krimen na hindi naman niya aniya ginawa.

Binanggit din ni Ancajas na may pag-aaway ang magkakapatid sa pera dahil inaakusahang corrupt si Ramgen.

Kumbinsido raw siya na ang pag-alis ni Ramona sa Pilipinas ay indikasyon na ito ang may kinalaman sa krimen.

Nais din ni Ancajas na personal na makausap si Senador Bong Revilla dahil may mahalaga siyang sasabihin dito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply