PA ni Ramgen, nanganganib na rin ang buhay

NANGANGANIB na umano sa ang buhay ang personal assistant (PA) ng napatay na si Ramgen Bautista matapos na gawing testigo sa krimen.

Sa testimonya ni Ronaldo Ancajas, P.A. ni Ramgen nakita niyang naglalakad palabas ng gate ng subdivision si Ramon Joseph at maya-maya ay kasunod na si Ramona.

Inakala umano niyang susunod sa Baguio City ang magkapatid kaya natulog muli siya sa kuwarto ng bahay ng mga Revilla.

Subalit laking gulat niya ng gisingin siya ng mga pulis at posasan sabay sabing patay na ang kanyang amo.

Inihayag rin ni Ancajas na ilang buwan na ring hindi nagkikibuan ang magkakapatid dahil sa tampuhan sa usapin ng budget na hinahawakan ni Ramgen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply