Pabrika ng tabako tinupok ng apoy

TINUPOK ng apoy ang magkakadikit na bodega ng isang pabrika ng tabako sa Parang, Marikina kagabi (Nobyembre 4).

Naabo ang Building A at B ng Philip Morris Tobacco Corporation sa sunog na umabot hanggang Task Force Delta.

Nagsimulang sumiklab ang apoy bandang dakong alas-10:20 ng gabi at idineklarang fire out kaninang alas-2:50 ng madaling araw.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng arson investigator ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa  tinatayang  P20 milyon halaga ng ari-arian.

Wala namang nadamay na kabahayan malapit sa lugar dahil na rin sa mataas na firewall ng pabrika at wala ring iniulat na nasaktan o namatay sa insindete. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply