Pacman kinasusuklaman ng mga Mehikano

GUMAMIT ng maraming security escorts si 8-division world champion Manny Pacquiao pagbalik sa kanyang dugout dahil sa banta ng Mexican fans na kukuyugin siya matapos ang kontrobersiyal na panalo kay Juan Manuel Marquez sa loob ng MGM Grand sa las Vegas.

Napanatili man ni Pacquiao ang WBO welterweight crown via majority decision kontra kay 3-division champion Juan Manuel Marquez, marami naman ang dismayado sa resulta ng laban.

Marami kasi ang naniniwalang dapat si Marquez ang nanalo dahil sa dami ng “power punches” nito laban kay Manny.

Ang judge na si Robert Hoyle ay nagbigay ng 114-114 score, si Dave Moretti ay may 115-113 at si Glenn Trowbridge ay 116 112 para pa rin kay Pacquiao.

Kasunod nga ng pagdeklara ng panalo, umalingangaw sa loob ng MGM ang “boo” kay Pacquiao ng mga fans ni Marquez

Sa kaugnay na balit, ilang Mehikano naman sa Maynila ang nagtipon-tipon bilang pagsuporta sa kababayang si Juan Manuel Marquez sa laban kay Pacquiao.

Bilang kababayan, kampi sila kay Marquez pero malaki rin anila ang respeto nila kay Pacquiao.

Ayon pa sa isa sa mga dumalo na si Monica Anaya, “We like Marquez… and we also like Manny. It[‘s] like we like them both to win.”

Natalo man ang kanilang pambato, ipinagdiriwang pa rin nila ang naging laban ni Marquez at inihayag na hindi mapapawi ang paghanga at suporta nila sa kababayan lalo’t pinaghirapan nito ang laban kay Pacman.

Samantala, dismayado naman ang ilang boxing analyst sa naging performance ni People’s Champ.

Para kay Ronnie Nathaniels, “Very disappointing… Only Mexicans were cheering but the Filipinos are not cheering,” sa bakbakang Pacquiao-Marquez.

Sinabi naman ni Atty. Ed Tolentino na “We did not see the best of Manny… Marquez has mastered Manny Pacquiao.”

Giit pa niya, ” He [Pacquiao] lost the fire in his belly…[He] lost focus.”

Kung dati-rati’y halos papuri ang maririnig sa boxing analyst sa tuwing lumalaban si Pacman, ngayon ay tahasan nilang sinasabing si Marquez ang tunay na nanalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply