Pacquiao dedma sa pagtapak sa kanya ni Marquez

DINEDMA na lang ni pound-for-pound king Manny “Pacman” Pacquiao ang isyu ng pang-aapak sa kanyang paa ng katunggaling si Juan Manuel Marquez ng Mexico sa huli nilang laban sa Las Vegas Nevada kahit na kumakalat ang mga larawan nito sa Facebook.

Iginiit ni PAcqui na ganitong pangyayari ay parte lamang at kasama sa laro.

Nasa Los Angeles, California na ang Pamabansang Kamao na piniling magpahinga muna bago bumalik sa Pilipinas.

Samantala, naka-uwi na sa Mexico si Marquez.

Nang dumating si Marquez sa kanyang bansa ay dinumog siya ng fans at media.

Napansin na bakas pa rin sa kanyang noo ang sugat na nakuha niya sa laban nila ni Pacman.

Matapos ang kontrobersyla na pagkatalo, ani Marquez ay pag-iisipan muna niya ang susunod na hakbang para sa kanyang boxing career.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply