Pacquiao gagamitin sa recruitment ng AFP

MULING ipinagbunyi ng sambayanang Filipino sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippine ang matagumpay na pagtatangol ni Philippine Army Reserve Ltcol Manny “Pacman” Paquiao sa kanyang korona sa katatapos na Paquiao-Marquez fight sa MGM Grand Arena sa Las Vegas Nevada kanina.

Ayon kay AFP chief of Staff Gen Eduardo Oban, “I think he really won the fight, he remains a wonder and a wonder of the world in boxing and Filipinos, the armed forces of the Philippines is one with the millions of Filipinos in joining the rest of the world in the triumph of…

Naniniwala si Oban na naging very close ang laban na ibinigay ng Mexican challenger at three division champion Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Kaugnay nito, inihayag ni Oban na susuportahan ng AFP ang anumang paghahandang ginagawa ng Philippine Army sa pagsalubong at pagbibigay pugay sa kanilang number one reservist na si Sarangani Congressman Manny Paquiao.

Sinabi pa ni Oban na sa tingin niya ay na kay Paquaio pa rin ang sigla, lakas, kayahan at bilis para muling lumaban at sana matuloy ang inaasam na laban nila ni Floyd May Weather.

Samantala, dahil sa walang pasubali na isang icon, iginagalang at iniidolo ng karamihan, balak ng AFP na gamitin ang Pambansang Kamao sa kanilang recruitment para sa mga gustong maging sundalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply