Pacquiao-Marquez fight mapapanood nang libre sa Maynila

MAPAPANOOD ng libre sa lahat ng Sports Complex ng Maynila at sa covered court ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinaka-aabangang laban nina Filipino pound for pound king Manny “Pacman” Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel “Dynamite” Marquez, sa darating na Linggo (Nobyembre 13) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang kapwa inihayag ni Ric de Guzman, chief of staff at media bureau chief ni Manila Mayor Alfredo Lim at PCG Commandant Admiral Ramon Liwag.

Nabatid naman na ang napisil na kakanta ng national anthem ng Pilipinas ay si YouTube sensation Maria Aragon.

Ayon kay De Guzman, ang live telecast ng laban ay mapapanood sa Delpan Sports Complex (near Delpan Bridge) District I, Patricia Sports Complex (Flora Street, Gagalangin, Tondo) District II, Rasac Covered Court (Alvarez Street corner Rizal Avenue) District III, Dapitan Sports Complex (Instrucion Street, Sampaloc) District IV, San Andres Sports Complex (San Andres Street, Malate) District V at Teresa Covered Court (Teresa Street, Sta. Mesa) District VI.

Iniutos ni Lim ang paglalagay ng malaking screen upang makapanood ng maayos ang mga residente.

Sinabi naman ni Liwag na maglalagay din ng malaking screen upang hindi na lumabas ang mga tauhan ng PCG sa panonood ng laban ng dalawang boksingero.

Magbibigay ng complimentary tickets sa mga residente sa “first come,first serve basis.”

Inabisuhan rin ang mga residente na dumating ng mas maaga bago ang takdang oras ng laban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply