Pacquiao-Marquez IV?

TULAD ng inaasahan, huminto ang buong Pilipinas para saksihan ang ikatlong pagtutuos nina Manny Pacquiao at  Juan Manuel Marquez.

Ang mga kalsada, lalo na  sa Metro Manila, ay nagmistulang ghost thoroughfares dahil sa kawalan ng tumatakbong mga sasakyan.

Tulad ng mga nakaraang laban din ng Pambansang kamao, ang mga kriminal ay nakisama – nanood din kaya walang ulat ng krimen.

Ngunit ang magandang balita, ang mga restaurant at iba pang fun establishments na nagpalabas ng ‘Pacquiao – Marquez lll ay napuno.

Kumbaga, hit na hit ang trilogy nina Pacman at Dinamita dahil kahit saang lugar – pribado man ito o pampubliko ay pinanood pa rin ito.

Kung hit ang una at pangalawa nilang labanan, sa laban noong Linggo, inasahan ng maraming fan na magkakaroon ng knockdown.

Sa dalawang nakaraang laban kasi, may pagdududa ang panalo ni Pacman. Sigaw ni Marquez, siya ang nanalo sa dalawang laban.

Kaya para malinawan na ang patutsada ni Marquez, ikinasa ni American boxing promoter Bob Arum ang Pacman – Marquez lll.

Muli na namang nanalo si Pacquiao pero nadismaya ang maraming boxing fans sa desisyon. Dapat daw na nanalo ay si Marquez.

Pero iyan ang desisyon ng mga hurado.

Marami ang nag-akala na sa ikatlong laban ng dalawang magiting na boksingero, matutuldukan na ang duda sa real winner na isyu.

Pero sa kontrobersiyal na panalo na naman ng boxing congressman, pakiwari natin eh magkakaroon  ng Pacquiao – Marquez IV.

Kung sabagay, kapag si Bob Arum ang kumilos, basta ginusto niya, magtatagisan muli sa ring sina Pacman at ang Mexican boxer.

o0o

TAMEME SI MAYOR MEYNARDO SABILI

Hindi tayo magkamaliw sa patuloy na inirereklamong STL-con jueteng ng magpartner na ‘Carling’ at ‘Mendoza sa Lipa City, Batangas.

Sumbong dito, reklamo roon ang mga kababayan ni Mayor Meynardo Sabili pero ang alkalde, tila, bingi sa daing ng mga residente.

‘Di lang bookies nina Carling at Mendoza ang inirereklamo, kundi video karera na lantarang nag-ooperate sa lungsod.

Ano ba, Mayor Meynardo Sabili…bakit naman, tila na-tatameme ka sa reklamo ng iyong mga kababayan? Aba’y kilos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply