Pacquiao tahimik na sinalubong sa Kamara

KAHIT patuloy na kinukumbinsi ng mga kongresista ang kanilang sarili na talagang si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang nanalo sa pakikipagsagupa nit okay Juan Manuel Marquez ng Mexico ay naging malamig pa rin ang kanilang pagsalubong sa boksingero.

Bagama’t nasa loob na ng plenaryo si Pacquiao ay hindi ito gaanong dinumog, hiniyawan at tila tahimik lamang ang mga kongresista.

Tumanggi rin si Pacquiao na magpa-interview sa media.

Taliwas ito sa mga nauna niyang tagumpay na mainit itong sinasalubong hindi lamang ng kanyang mga kasamahang kongresista at mga empleyado ng Kamara. Kahapon (Nobyembre 22) ay halos hindi naramdaman ang pagdating ni Pacquiao sa plenary hall.

Nang magsalita si Deputy Speaker Raul Daza ay tila nagmamakaawa pa ito nang sabihin na dapat parangalan ang kasamahan nilang kongresista dahil sa pagkapanalo nito sa kontrobersyal na laban.

Bilang patunay ay binasa pa ni Daza ang score card ng Pacquiao-Marquez fight sa plenaryo na nagpapatunay na majority decision at hindi close fight ang nasabing laban.

Ipinagtanggol rin ni Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing si Pacquiao at inayunan ang pahayag ni Daza.

Patuloy na nadidismaya si Bagatsing dahil sa ugaling kahit panalo si Pacquiao ay pilit na pinalalabas na ito ang talo samantalang ang mga Mehikano aniya ay ipinagsisigawan na panalo si Marquez gayung kitang-kita naman ang pagkatalo nito.

Walang pahayag o Wala namang kibo si Pacquiao at tahimik na nakikinig habang ipinagtatanggol ng kanyang mga kapwa kongresista sa plenaryo.  Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply