PAF member binoga ng private bodyguard patay

ISANG miyembro ng Philippine Air Force ang pinatay makaraang barilin ng sibilyan na sinasabing security aid ng isang sa Batangas.

Ayon kay PO2 Ramon Sale of the Nasugbu sa panayam sa dzBB, naganap ang pamamaril sa Brgy. Wawa kung saan nakita ng biktima at dalawang kasamahan nito na sinipa ng suspek ang kanyang alagang aso.

“Naka-plainclothes ang mga (taga-PAF), nakita nilang sinipa ang aso nila. Personal na alaga ito, askal ito. Nang lumapit sila, sinita ang tao bakit sinipa ang aso. Bumunot umano ng baril ang sibilyan,” ayon kay Sale sa panayam.

Hindi naman kaagad nakilala ang biktima at ang sinasabi umanong bodyguard na suspek na kasalukuyang nasa ospital at binabantayan ng mga pulis.

Sinasabing isa lamang ang armado sa grupo ng PAF habang umeskapo naman ang dalawang kasama ng biktima.

“Nagkaroon sila ng confrontation, nakabunot ng ang private guard at naunang nagpaputok ito. Tinamaan ang taga-PAF. Nakapag-return fire kaya may tama ng isa ang unang nagpaputok,” dagdag pa ni Sale.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima na isinugod agad sa osptal ngunit idineklarang dead on arrival na.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply