Pag-aatubili ng DOJ sa biyahe ni GMA oks sa 2 solon

KINATIGAN ng dalawang mambabatas ang tila pagdadalawang-isip ng Department of Justice na payagan si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng Pilipinas upang makapagpagamot sa ibang bansa.

Sinabi ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na walang nakikitang rason ang ilang mambabatas para pagbigyan ang kahilingan ni GMA na makapagpagamot sa ibang bansa matapos sabihin ni Health Secretary Enrique Ona na “OK” naman ang kalagayan ng dating Pangulo.

Ngayong umaga ay sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi pa rin nakapagpapasya ang kagawaran ukol sa request ni GMA na makapagbiyahe dahil kung pagbabasehan aniya ang pahayag ni Ona na walang “life threathening” sa kalagayan ni GMA at patuloy ang pagbuti ng kalagayan nito.

Binigyang diin ni Ilagan na hindi dapat ipilit pa ng dating presidente na pahintulutan siya ng gobyerno na mag-abroad para makapagpagamot.

Ganito rin ang naging paninindigan ni San Juan Rep. JV Ejercito na nagsabi pang ginagamit lamang umano na palusot ni GMA ang kanyang sakit upang makaiwas sa prosekusyon.

Mungkahi pa ni JV na gamitin sanang basehan ng DOJ ang pahayag ni Ona bago bigyan ng Allow Departure Order ang dating pangulo.

Nauna rito, inihayag ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez na kailangang sumailalim sa “bone-biopsy” si GMA upang mahanap ang dahilan at solusyon sa sakit nito na maaari lamang gawin sa ibang bansa dahil wala umanong eksperto nito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Suarez na ito rin ang nakasaad sa medical abstract na inilabas ng doktor nito sa St. LUkes Medical Center (SMLC) subalit ang naturang procedure ay wala rito sa bansa.

Kinumpirma rin ni Suarez na nagtungo si Ona sa bahay ni Arroyo sa La Vista sa Quezon City upang tingnan ang kondisyon nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply