Pag-absuwelto kay Abalos ‘di inaasahan ng Comelec

HINDI umano inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-absuwelto ng Pasay Regional Trial Court sa kanilang dating chairman na si Benjamin Abalos at dalawang iba pa

Ito ay matapos na kontrahin ni Judge Jesus Mupas ang rekomendasyon ng preliminary investigation committee na mapabilang sa kakasuhan sa kasong electoral sabotage si Abalos.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, nakitaan  ng probabale cause  si Abalos kaya dapat lamang na isama sa mga kakasuhan.

Gayunamn, sinabi ni Comelec  Chairman Sixto Brillantes, na kanilang iginagalang ang naging desisyon ni Judge Mupas.

Sinabi naman ni Senior Comelec Commissioner Rene Sarmiento na taliwas sa kanilang inaasahan ang hindi pagkakabilang ni Abalos sa kaso.

Kabilang pa sa inabswelto ni Judge Mupas ang dating chief of staff ni Abalos na si Jaime Paz at isang Peter Reyes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply