Pag-alis sa 12% VAT, di fare increase, ang sagot- Piston

IPINAHAYAG ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper Nationwide (Piston) ngayon na ang pag-alis sa 12 porsiyentong value-added tax (VAT) ang solusyon sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Duda si Piston secretary-general George San Mateo sa motibo ng panibagong fare increase ng ilang transport groups.

Sinabi ni San Mateo na posibleng isa itong paraan para maisulong ang conversion ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga pampasaherong dyipni.

Nilinaw ni San Mateo na karapatan ng mga drayber ang humirit ng dagdag sa minimum fare sa mga dyipni, pero sa kalagayan ng maraming mamamayan ngayon ay hindi napapanahon ang pagdaragdag sa pamasahe.

Mas malaki pa umano ang matitipid ng mga driver kung ang 12%VAT na lang ang alisin kaysa sa P2 dagdag-pasahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply