Pag-apruba sa RH bill binabalam – Miriam

INAKUSAHAN ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na dini-delay ng liderato ng Senado ang pag-apruba sa kontrobersyal na reproductive health bill.

Sinabi ni Santiago na hindi man lang isinama sa agenda for the day ang RH bill gayung patapos na ang pag-apruba sa panukalang 2012 national budget.

Ayon kay Santiago, hindi niya maintindihan ang gustong mangyari ng mga opisyal ng Senado dahil ayaw ibalik sa kalendaryo ang debate sa RH bill.

Kaugnay nito, nag-init naman ang ulo ni Senate majority leader Tito Sotto III sa banat ni Santiago at ang pagpaparinig ni Senadora Pia Cayetano na binabalam niya ang debate sa reproductive health bill.

Kinuwestyon ni Cayetano kung bakit hindi isinasalang sa debate ang panukala gayung mahaba ang panahon ng Senado para rito.

Nilinaw naman ni Sotto na wala siyang intensyon na ibalam ang debate sa RH bill dahil may ilang senador pa ang nakapila sa interpellation, gaya nina Senators Ralph Recto, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Bong Revilla at Lito Lapid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply