Pag-aresto kay CGMA karma – Mangudadatu

NANINIWALA si Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na karma ang nangyari kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na itinurong utak sa dayaan sa 2004 at 2007 election kung saan nakipagsabwatan kay suspended ARMM Gov. Datu Zaldy Ampatuan at sa ama nito na si Datu Andal Ampatuan Sr para imaniobra ang resulta ng halalan pabor sa mga kandidato na kaalyado ng administrasyon.

Sa kabila ng sinapit ni Rep. Arroyo, aminado naman si Mangudadatu na may nagawa rin siyang kabutihan sa bansa.

Ngunit kailangan aniyang pagdusahan ang kanyang ginawa sa taumbayan.

Giit ni Mangudadatu, walang nilabag si DOJ Secretary Leila De Lima nang pigilin nito si Arroyo para magpagamot sa ibang bansa.

“Alam mo, may batas tayo at lahat ay dumaan sa tamang proseso. May karapatan rin si CGMA na ipaglaban ang kanyang sarili na naayon sa ating saligang batas,” ani Mangudadatu.

Kung maalala, ang mga Ampatuan ay nahaharap sa patong-patong na kaso kaugnay sa Maguindanao massacre.

Ilan sa mga kaanak ni Mangudadatu ang nadamay din sa naturang krimen.

Sa Miyerkules ay gugunitan ang ikalawang taon ng masaker.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply