Pag-awit ni Maria Aragon ng Lupang Hinirang, aprub sa NHI

NAGUSTUHAN ng National Historical Institute (NHI) ang paraan ng pag-awit ng Lupang Hinirang ni Maria Aragon sa laban ni pound for pound King at Sarangani Rep. Manny ‘Pacman’ Pacquiao kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada kahapon (Linggo, Nobyembre 13).

Pinuri ni Teddy Atienza, hepe ng Heraldry Section ng NHI, si Aragon dahil nasunod umano nito ang tamang tono, tempo at bilis ng pagkanta sa Lupang Hinirang.

Maging ang pagbigkas ni Aragon sa mga letra ng kanta ay nagustuhan rin ng NHI dahil talaga aniyang katangi-tangi.

Matatandaan na pinuri rin noon ng NHI ang paraan ng pagkanta ng international singing sensation na si Charice Pempengco sa pambansang awit sa naging laban ni Pacman kay Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Atienza, maganda ang mensaheng inihahatid ng pag-awit nina Pempengco at Aragon sa national anthem dahil naipararating ng dalawa na silang mga kabataan ay marunong sumunod sa mga alituntunin.

Hinimok din ni Atienza ang iba pang mga kakanta ng pambansang awit sa anumang mga programa o pagtatanghal na tularan ang ginawa nina Pempengco at Aragon.

Alinsunod sa batas, ang pag-awit o pagpapatugtog ng Lupang Hinirang ay dapat na naaayon sa arrangement at komposisyon ni Julian Felipe at iyon ay sa paraang march tempo.

Sinuman ang lalabag ay maaaring pagmultahin ng hindi bababa sa P20,000 o pagkabilanggo ng hanggang isang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply