‘Pag hindi nag-inhibit, Corona i-impeach

PLANO ng Akbayan Partylist na patalsikin si Chief Justice Renato Corona kung hindi susundin ang panawagan ng mga militanteng grupo na mag-inhibit sa mga kasong may kaugnayan kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao, hinihintay lang nila ang opisyal na deklarasyon ng punong mahistrado hinggil sa kanilang hakbang.

Maghahain ang Bayan Partylist ng impeachment complaints laban kay Corona na “betrayal of public trust” ang basehan.

Ani Baga-ao, imposibleng maging patas si Corona sa pagdedesisyon sa usaping may kaugnayan kay Arroyo dahil malapit ito sa dating pangulo bukod pa sa isa ito sa mindnight appointees ni GMA.

Halata rin umano ang pagkiling ni Corona kay CGMA dahil may 15 kaso ang pinaboran para kay Arroyo.

Unang naging chief of staff at executive secretary ni Arroyo si Corona bago na-appoint na chief justice.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply