Pag-iisyu ng RMC para sa passenger vehicles, itotoka sa LTFRB

SIMULA sa Disyembre, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na lamang ang magpapalabas ng RMC o ang Route Measured Capacity para sa mga pampasaherong sasakyan nationwide.

Ayon kay Atty. Manuel Iway, boardmember ng LTFRB, layunin ng hakbang na higit na mapadali ang pagproseso ng ahensiya sa pangangailangan ng mga pampasaherong sasakyan sa bawat lugar sa bansa.

Sa ngayon, masyadong makupad ang pagkilos ng LTFRB sa mga mosyon, aplikasyon at iba pang proseso ng mga papeles na naidudulog sa ahensiya dahil ang RMC ay magmumula pa sa Department of Transportation and Communications (DOTC) office sa Ortigas Pasig.

Kinakailangan pang magpabalik-balik ang isang aplikante sa DOTC para lamang sa RMC na requirement ng LTFRB para mabigyan ng ruta ang isang pampasaherong sasakyan sa isang lugar.

Minabuti aniyang iatang na lamang ng DOTC ang pagkakaloob ng RMC ng ahensiya sa mga passenger vehicle upang mabilis na maaksyunan ito ng LTFRB at tuloy hindi na magsasayang ng panahon at oras ang bawat indibidwal sa pagparoo’t parito sa DOTC dahil lamang sa pag-apply at pag follow up dito.

Ang LTFRB naman umano ang may obligasyon ng pagkakaloob ng RMC dahil mayroon silang rekord ng bawat ruta ng mga pampasaherong sasakyan sa buong bansa.

Pinasalamatan naman ng publiko si Transportation Secretary Mar Roxas sa naturang hakbang dahil hindi na sila magagastusan ng malaki sa pasahe sa pagtungo sa DOTC at pagod sa pagpunta doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply