Pagasa: Buong linggo magiging mainit

KAHIT pumasok na ang hanging amihan (northeast monsoon), mainit na panahon pa rin ang mararanasan ng mga Filipino mula ngayon, hanggang sa weekend.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) forecaster Elvie Enriquez, aabot sa 33’35 degrees celcius ang temperature sa Metro Manila.

Gayunman, hindi umano lahat ng bahagi ng bansa ay ganito ang mararanasan dahil sa Baguio City ay aabot lamang sa 15 degrees o mas mababa pa ang temperaturang mararanasan.

Ngunit siniguro ni Enriquez na sa huli ay mananaig pa rin ang hanging amihan sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa ngayon, ay wala rin umano silang nakikitang bagyong darating.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply