Pagbagsak ni PNoy ibinabala ni Sen. Enrile

IBINABALA ni Senate President Juan Ponce Enrile na maaaring bumagsak ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III kung sakaling may masamang mangyari

kay dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na tangkang umalis ng bansa.

Ito ang ibinulgar ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III matapos magkaroon ng break sa isinasagawang deliberasyon sa P1.816 trilyong pambansang badyet sa Senado kaninang tanghali.

Sa panayam, sinabi ni Sotto na mahigpit na nagbabala si Enrile na kapag may masamang nangyari kay Mrs. Arroyo sa pagtatangka nitong makalabas ng bansa, nakatitiyak ang lider ng Senado na magsisimula ang pagbagsak ni Pangulong Aquino.

Sinabi pa ni Sotto na ipinaalala sa kanya ni Enrile na nagsimula ang pagbagsak ng diktadurya ni Pangulong Marcos noong 1983 nang paslangin si dating Senador Benigno Aquino Jr., sa Tarmac ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

“You must remember, the downfall of a former president happened many many years ago started in the airport,”ayon kay Enrile sabi ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na binanggit din ni Enrile ang kasabihan sa English na “what comes around, comes around” na ibig sabihin na muli at muling mangyayayari ang nangyari na.

Naniniwala si Sotto na huhusgahan ng taumbayan si Pangulong Aquino kahit mataas ang popularity ratings nito kung sumemplang ang kanyang administrasyon sa pamamahala sa kaso ng dating pangulo.

“Kung masama ang handling nyo kay GMA, it will erode his popularity on the issue of competence baka doon magsimula ang pagbagsak nya,” paliwanag ni Sotto.

“In the same airport, di ba? Kaya dapat paliparin na lang nila sa Clark,”  pabiro ni Sotto. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply