Pagbasura sa 12% VAT sa langis solusyon sa fare hike– Piston

MAY ibang paraan para masolusyunan ang lumalalang overpricing sa produktong petrolyo.

Sinabi ni George San Mateo, secretary-general ng Pinagkaisang Samanhan ng Tsuper Nationwide (Piston), na bagama’t nakikisimpatya sila sa hinaing ng mga kapwa drayber, hindi naman nila sinusuportahan na ihirit na fare hike ng mga pampasaherong jeep.

Ayon kay San Mateo, magiging “less productive” rin ang mga manggagawa kung sasabay pa sa pahirap ng pagdaragdag ng pasahe.

Higit na epektibo umano kung aalisin na lang ng pamahalaan ang 12% na VAT sa petrolyo upang makaluwag naman sa naghihingalong kita ng mga drayber.

Binigyang-diin ni San Mateo na sa presyo ng diesel na 45-46 pesos, P189 ang nawawala sa araw-araw na kita ng isang jeepney driver.

Idinagdag pa ni San Mateo na madalas nga ay mababa pa sa P200 ang kita ng isang drayber sa maghapon dahil sa taas ng presyo ng petrolyo.

Wala na umanong matitira halos kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply