Pagbasura sa Oil Deregulation Law iginiit ng Piston

IGINIIT ngayon ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang tuluyang pagbasura sa Oil Deregulation Law upang maresolba ang pananamantala ng dambuhalang kumpanya ng langis.

Ayon kay Piston secretary-general George San Mateo, hindi sapat ang oil price rollback na ipinatupad simula kahapon bagama’t bahagyang nakatulong ito sa mga tsuper.

Ibinuking din ni San Mateo na kaya nag-rollback ang mga kumpanya ng langis ay dahil sa nakalipas na buwan naitala ang pagtaas sa kabuuang aabot sa P3.25.

Samantala, nagpahayag naman si Fejodap president Zeny Maranan na hindi umano sila inggrato kasunod ng panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo na nagsimula kahapon.

Ayon kay Maranan, nagpapasalamat naman sila sa ipinatupad na bawas-presyo, pero sa kabila nito, hindi na nila iaatras ang kanilang
petisyon sa fare increase.

Sa totoo lang aniya, labag din sa kanilang kalooban na itaas ang pasahe sa mga pampasaherong dyip dahil 80 porsiyento sa mga mananakay ay pamilya ng tsuper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply