Pagbasura sa plunder case ni GMA kuryente

AGAD na pinabulaanan ng Department of Justice (DoJ) ang ulat na inabsuwelto nila sa reklamong plunder na inihain ng tax informant na si Danilo Lihay-lihay si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, taliwas ang naturang ulat dahil sa katunayan ay inirekomenda na nila sa tanggapan ng Ombudsman ang reklamong pandarambong laban kay Arroyo na nag-ugat sa umano’y iligal na pagbebenta ng lumang Iloilo Airport sa Megaworld Corporation noong 2007.

Paglilinaw pa ni Arellano, kaya nila ni-refer sa Ombudsman ang naturang asunto para mas mapag-aralan kung may merito o wala ang reklamo.

Kung may nagbasura man aniya sa naturang kauna-unahang plunder complaint laban kay GMA ay hindi ang DoJ.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply