Pagbiyahe ni GMA depende na sa korte

LUMALABAS na depende na ngayon sa korte kung papayagan ang hiling na pagbiyahe ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ibang bansa para sumailalim sa medical treatment.

Ito ang sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na suportado nila ang anumang magiging desisyon ng Korte Suprema sa usapin lalo pa at posibleng dumating sa puntong ibinasura ng mga mahistrado ang watch list na ginawa ng Justice Department.

“Yes, of course. Of course, we are. It’s the watch list power. It’s not a particular order. But ang lahat po ng government regulations in issuances, according to law, enjoy the presumption of regularity and of constitutionality,” anito.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Usec. Valte na magkaiba ang Hold Departure Order (HDO) ng korte sa watch list ng DoJ.

“ Well, the HDO is a different thing. The HDO is an entirely different animal,” diing pahayag nito.

Wala namang ideya si Usec. Valte kung ano ang mas matimbang sa ganitong situwasyon — kung ang HDO o ang watch list ng DoJ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply