Pagboto sa Underground River itodo na– Legarda

NANANAWAGAN ngayon si Sen. Loren Legarda sa sambayanang Filipino na itodo na ang pagboto sa Puerto Princesa Underground River sa Palawan upang mapasama ito sa New 7 Wonders (N7W) of Nature sa pagtatapos ng botohan bukas ng alas-7:11 ng gabi (Biyernes, Nobyembre 11).

Sinabi ni Legarda na kung mapapasama sa N7W ang Puerto Princesa Underground River, ang pinakamahabang underground river sa buong mundo, malaking tulong ito para mapreserba ang ating pambansang yaman.

“The Puerto Princesa Underground River is just one of the many wonders of nature that our country is very fortunate to be blessed with. If it becomes one of the New 7 Wonders of Nature, the whole world will get to see and appreciate its beauty and it will also help boost efforts for the preservation of our country’s natural resources,” ayon sa senador.

Umaasa din si Legarda sa paglago ng turismo at ekonomiya ng bansa sakaling mapabilang sa N7W ang nasabing underground river.

Binanggit ni Legarda ang isinagawang pag-aaral ng Pearson ng London noong 2010 na ang ancient city ng Petra sa Jordan, isa sa New 7 Wonders of the World, ay binisita ng karagdagang 62 porsyento ng turista noong 2007 sa kainitan ng kampanya sa N7W ng nasabing taon.

Nakapag-akyat ito ng US$ 13.4 milyong kita sa bansang Jordan.

Ang Machu Picchu, isang pre-Columbian 15th century Inca site sa Peru, ay nakadagdag naman ng 70 porsyento ng turismo sa nasabing bansa matapos mapabilang ito sa N7W.

“This could also be the effect for the winners of the New 7 Wonder of Nature. In fact, the city government of Puerto Princesa already saw a dramatic increase in its tourist arrivals-from 11,981 in 2010 to 20,411 tourists between January and May 2011 alone. If the Puerto Princesa Underground River becomes one of the New 7 Wonders of Nature, we can maximize its benefits in the tourism industry by promoting other tourist spots in the country, both within the province of Palawan and in other provinces as well,”dagdag ni Legarda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply