Pagbura ng DBP sa utang ng Lopezes siyasatin

DALAWANG mambabatas ang nagsusulong ngayon na siyasatin ng Kamara de Representantes ang ginawang pagbura diumano ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa mga utang ng apat na kompanya na pag-aari ng pamilya Lopez na nagresulta sa pagkalugi ng gobyerno ng P1.67 bilyon.

Ito ay matapos magpahayag ng pagka-alarma sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Marikina Rep. Romero Federico “Miro” Quimbo sa balitang tuluyan ng kinalimutan ng DBP ang utang ng Maynilad Water, Bayantel, Central CATV Inc. at Benpres Holdings na pawang pag-aari ng Lopezes.

“This is shocking and at least merits a congressional investigation,” ani Colmenares na labis na nagdududa sa paglimot ng DBP sa nabanggit na utang ng mga kompanya gayung patuloy namang kumikita ng bilyong piso ang Manila Electric Company (Meralco) na pag-aari rin ng nabanggit na pamilya.

Dati ay kontrolado ng Lopezes ang Meralco subalit malaking bulto ng shares nito ang ibinenta sa negosyanteng si Manuel V. Pangilinan ngunit nanananatiling pag-aari ng mayamang pamilya ang 6.6 percent shares sa Meralco, ang pinakamalaking power distributor sa bansa.

“While many Meralco consumers were suffering from exorbitant power rates, its owners then were enjoying tremendous debt write-offs,” ayon kay Colmenares.

Kasabay nito ay hinamon ni Quimbo ang DBP board na paimbestigahan ang utang ng pamilya Lopez.

“The current DBP board must prove that it does not engage in witch hunt. It should look into other transactions that are tainted with anomalies and report them to investigating agencies,” ayon kay Quimbo.

Ang magkahiwalay na pahayag nina Quimbo at Colmenares ay inisyu bago pa man magsagawa ng pagdinig ang Senado ukol sa diumano’y “behest loans” ng negosyanteng si Roberto V. Ongpin sa DBP.

Subalit ang utang ni Ongpin ay nabayaran na umano taliwas sa utang ng Lopezes ay hindi pa, hanggang sa kalimutan na lamang ito ng DBP.

Nakasaad sa dokumento ng DBP na ang Maynilad Water ay may utang na umaabot sa P710.86 milyon; Bayantel, P591.81 milyon; Central CATV Inc., P207.10 milyon at  Benpres Holdings, P157.95 milyon o may kabuuang halaga na P1.667 bilyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply