Pagdating ni Pacman bukas pinaghahandaan na

PLANTSADO na ang ilang programa para sa pagbabalik sa bansa ni Pinoy boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ang naging pagtitiyak ng ilang miyembro ng team Pacquiao, kasunod ng inaasahang pag-uwi nito bukas mula sa laban kay Juan Manuel Marquez.

Kasama sa palatuntunan ang hiling ni Manila Mayor Alfredo Lim na magkaroon ng motorcade sa kanilang lugar ang boxing superstar.

Ito’y sa kabila ng pagiging malapit ni Pacman sa katunggali ni Lim noong halalan na si dating DENR Sec. Lito Atienza.

Bukod sa mga programa sa Metro Manila, magkakaroon din ng hero’s welcome kay Pacman sa kaniyang sariling distrito sa Sarangani at pati na sa kinalakihan niyang lugar sa General santos City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply