Pagdinig sa 2007 poll fraud pinasususpinde ni Mike Arroyo

PINASUSUSPINDE ngayon nii dating first gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo ang imbestigasyon sa 2007 poll fraud dahil wala pa umano ang desisyon ng Supreme Court sa kanyang petisyon na kumukwestiyon sa temporary restraining order (TRO).

Sa pamamagitan ng kanyang Abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, sinabi ng dating unang ginoo na dapat suspindehin ang preliminary investigation sa umano’y dayaan sa eleksyon habang hinihintay pa ang SC ruling kaugnay sa inihaing petisyon.

“All that we are asking for is common decency and recognition of the most elementary courtesy which we believe the DOJ (Department of Justice) and the Comelec (Commission on Elections) owes to the Supreme Court,” ayon kay Ginoong Arroyo.

Noong Biyernes (Nobyembre 11) ay naghain si G. Arroyo ng 67-pahinang petition for certiorari prohibition.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply