Pagdukot kay Lozada pinabubuksan sa DoJ

UMAPELA si Senate whistle blower Rodolfo Jun Lozada, sa Department of Justice na buksang muli ang kaso ng pagkidnap sa kanya noong Pebrero 2008 kung saan itinuturong nasa likod ay ang dating administrasyon.

Ayon kay Lozada, ang resolusyong inilabas ng Supreme Court na nagpapatibay sa imbestigasyon noon ng Senado sa isyu ng ZTE-NBN deal ay pagpapatunay lang na may batayan ang kanyang reklamo.

Giit ni Lozada, dapat lang na muling tingnan iyon ng DOJ dahil halos lahat daw ng impormasyong isinampa ng kanyang kampo ay base sa Senate committee findings.

Batay sa reklamo ni Lozada, dinukot siya ng mga police at airport personnel pagdating niya sa Naia noong Feb. 5, 2008., matapos magbakasyon sa Hong Kong at himukin siya ni Mike Defensor na bumalik na sa bansa.

Dinukot umano si Lozada upang hindi makapagtestigo sa Senate inquiry hinggil sa National broadband Network (NBN) ZTE deal.

Sa desisyon ng SC, ibinasura nito ang petisyon ng Philippine National Police at ng Manila International Airport Authority sa alegasong may pag –abuso ang Senate Committees na nag-imbestiga sa insidente at ang pag-isyu ng subpoenas sa ilang indibidwal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply