Paghahabol kay GMA paiigtingin pa

LALO pang paiigtingin ng pamahalaan ang paghahabol kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang mapanagot sa kanyang mga kasalanan sa bayan.

Ito ang tiniyak kaninang umaga ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, sa kanyang talumpati sa kanyang pagdalo sa ika-75 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kasama ni Pangulong Aquino na dumalo ay si Justice Secretary Leila de Lima at dating NBI director at ngayon ay Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Pinasalamatan at pinuri rin ni Pangulong Aquino ang NBI sa pamumuno ni NBI Director Magtanggol Gatdula dahil sa kanilang mga accomplishment at sa walang takot na pag-iimbestiga sa mga “kontrata” na ipinasok ng nakalipas na administrasyon na naging daan para makasuhan ang mga opisyal ng pamahalaan na isinangkot sa katiwalian.

Giit ng Punong Ehekutibo na maparurusahn ang kahit na sino, kahit na naging Pangulo pa ng bansa dahil kailangan aniyang panagutan ang nagawang kasalanan at katiwalian.

Aniya pa, makakaasa ang sambayanang Filipino na patuloy niyang tutuparin ang kanyang pangako.

Naniniwala din umano si Pangulong Aquino na magagawa niya ang lahat dahil nasa panig siya ng katuwiran at katotohanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply